KWENTONG HOLDAP
Bago ang lahat, I declare and establish that this (holdap) will not happen to me. Ever. I declare na lahat ng sasakyan ko, macoconvict ang mga bad people at macoconvert to Apostolic. Amen.
Ito ay mga narinig-rinig ko sa mga tao sa opisina (hello sa inyo). Hindi ko gusto nakawin. Winner lang talaga at ang saya ng mga kwentuhan.
KWENTO 1:
Estudyante pa si Opismate #1. Sumakay siya somewhere at naholdap ang kanilang sasakyan. Kinuha ang cellphone niya.
“Mama.”
“Ano?”
“Pwede magrequest?”
“Go lang.”
“Pwede ko kunin yung sim?”
“Sige.”
At ibinigay yung sim.
Tama nga naman. Pwede naman kasi makiusap nang matino nang hindi nagaaway, hindi ba?
KWENTO 2:
Sa isang sasakyan, isang sosyalerang tao ang napasakay. Naholdap ang sasakyan.
“Akin na cellphone mo.”
Binuksan ang bag. Naglabas ng wallet.
“Ay, cellphone? Naku, importante yan. Heto’ng sampung libo. Ito na lang.”
At nag-abot ng sampung libo sa holdaper. Tinanggap.
Oo nga naman. Pwede naman kasi makipag exchange at negotiate.
KWENTO 3:
Isang simpleng mamamayan ang napasakay sa isang sasakyang biglang hinoldap.
“Akin na bag mo.”
“Uh, kuya, sure ka?”
“Akin na sabi e!”
Iniabot ang maliit na bag. Maya-maya, ibinalik ang bag. Tinanggap muli ng may-ari. Alam niyang mangyayari ito. Nahinuha na niya. Kulang nalang sabihin niyang “Kuya, I warned you.”
Nasa loob ng bag: isang napkin.
0 comments:
Post a Comment